Monday, March 22, 2010

Mga Miyembro - 1Kam

Shioli Embutsu
Reeshia Roxanne Halili
Maria Carmela Buenviaje
Czarina Christa Garcia
Abigail Navarro
Misharell Kaye Osoteo

Sunday, March 21, 2010

Epekto ng Political Dynasty

Introduksyon sa Pananaliksik

Noong sekondarya ay napag-aralan na ang kasaysayan ng buong mundo. Ayon sa librong World History ni Josefa L. Quirante Radford ay noong unang panahon pa lamang ay nauso o naging kaugalian na ang political dynasty, hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Ayon din kay Radford ang mga bansang Tsina, Hapon, Inglatera at Espanya ay ang ilan sa mga bansang nagsimula ng ideya ng isang political dynasty. Bagamat hindi direktang political dynasty ang tawag dito kundi monarkiya ang ideya nila ay halos pareho. Sa isang monarkiya, pamilya ang nagpapatkbo ng isang lugar, pinagpapasapasahan lamang nila ang mga posisyon sa kanilang kaharian at sa isang political dynasty naman pinaghaharian ng isang pamilya ang isang lugar sa pamamagitan ng pagpapasapasahan ng magkakapamilya ang posisyon at mga kadugo din nila ang iluluklok nila sa iba pang posisyon sa gobyerno. Magkaiba man sa katawagan ang dalawang konseptong ito ay may pagkakatulad sa ideya.

Ayon sa mga napanuod na dokumentaryo tulad ng “Ina, Asawa, Anak ng Probe Team at ang “The Correspondent’s Takes on Local Political Dynasties,” ang ganitong uri ng pamamahala ay laganap na. Unti – unting sinasakop ng mga dominanteng pamilya ang bawat lugar upang pagharian. Ang isang patunay dito ay ang political dynasty na naitayo ng mga Amopatuan sa Maguindanao. Ang kanilang dinastiyang pampolitika ay naibunyag sa media noong nangyari ang Ampatuan Massacre. Ang massacre na ito ang napakalawak na politicl dynasty na meron ang mga Ampatuan. Ang pangyayaring ito rin ay ang nakapagbigay ideya sa mga mananaliksik na gawing paksa ang political dynasty. Sa isyung ito ay nabahala ang mga mananaliksik sa epekto ng political dynasty sa ekonomiya ng bansa.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Napansin ng mga mananaliksik na sa tuwing dadating na ang eleksiyon ay nagsisilitawan ang mga politiko at kanilang mga angkan upang magpabango ng pangalan sa mga tao. Sa mga panahong ito nagiging kapansinpansin ang mga political dynasties sa dahilang lahat sila ay nangangampanya upang magustuhan at iboto ng mga tao. Ang pananaliksik na ito ay para sa mga sa mga mamayan ng bansa lalong – lalo na sa mga kabataan upang magkaroon sila ng kaalaman ukol sa isang political dynasty at sa epekto nito sa ekonomiya. Sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga kabataang ito na pumili ng kanilang sususportahan.

Layunin ng Pananaliksik

Ayon sa librong “World History” ni Josefa L. Quirante Radford ang political dynasty ay nagmula pa sa konsepto o ideya ng naunag sibilisasyon, ang imperyo. At ang konseptong ito ay naipasa na hanggang sa panahon ngayon. Ayon sa librong “The Philippine Economy” nila Arsenio M. Balisacan at Hal Hill ang ganitong klaseng sistema ay laganap na sa Pilipinas, matagal na itong namamayani ngunit hanggang sa panahon ngayon ay wala paring solusyon para sa isyung ito. Kaya ang pananaliksik na ito ay may layuning maihayag ang mga epekto ng political dynasty sa ekonomiya ng bansa. Sa pamamagitan ng paghahayag nito ay nalaman ay malalaman ng mga mamayan lalong – lalo na ang kabataan ang kung nararapat ban a suportahan o tutulan ang mga pamilyang ito. Ang mga impormasyong makakalap ng mga mananaliksik ay makatutulong ng malaki sa mga mamayan at kabataang Pilipino.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa dinastiyang pampolitika sa Pilipinas at hindi na sakop nito ang iba pang lugar. Ang layunin nito ay malaman kung ano ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa at mga dahilan kung bakit patuloy pa rin silang ibinubuto at sinusuportahan ang magkakapamilyang ito.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay nangangailangan ng malawak na kaalaman at mga pagkukunan ng impormasyonukol sa isyung ito at alam ng mga mananaliksik na kinakalilangan ng eksperto upang maisagawa ito. Ang mga ito ay isa sa mga naging limitasyon ng pananaliksik sapagkat nagkaroon ng problema ang pagkuha ng impormasyon mula sa mga dalubhasa sapagkat mahirap gumawa ng appointment/meeting sa mga taong ito. Kaya’t iilan lamang ang nakapanayam ng mga mananaliksik.

Sa pagpunta ng mga mananaliksik sa lugar ng San Juan ay bukas palad ang pagtanggap ng mgat tao doon. Ngunit kahit na maganda ang kanilang pagtanggap ay hindi nakuha ng mananaliksik ang kopya ng kanilang “Income Rate/Economic Rate” ay hindi nila naibigay tanging mga “statement” lang ng mga empleyado ang pinagbasihan ng “economic rate” ng lugar. Ito ay naging limitasyon dahil walang sapat na dokumento ang susuportat sa kanilang statement.

Ang isa pang naging limitasyon ay ang pagsabay ng “election period” sapagkat mas maighpit sila sa paglalabas ng mga dokumento na maaring ukol sa kanilang income, proyekto ng bawat munisipalidad.

Daloy ng Pag-aaral

Political Dynasty --------> lugar sa Pilipinas na pinamamayanihan ng Political Dynasty -------> Epekto sa ekonomiya ng lugar na pinamayanihan ng political dynasty.

I. Introduksyon sa Paksa

Ayon sa librong “The Philippine History” ni Maria Christine N. Halili ay noong sinaunang panahon naging kaugalian na ng mga ninuno na ibigay ang kapangyarihan sa iisang pamilya lamang. Naging tradisyon na nila na ang trono o ang pagkapinuno at ang mga posisyon sa inyong kaharian ay maisasalin mo lamang sa iyong mga kadugo. Ang mga pamilya ng mga datu at ng mga sultan ay ilan lamang sa mga pamilyang namuno at nagtayo ng kanilang sariling dinastiyang pampolitika noon isang magandang halimbawa ay ang angkan ni Lapu - lapu. Sa mga nagdaang panahon ay nadala na nila ang tradisyong ito; tradisyong ipinagbabawal na ng batas natin ngayon. Ang 1987 Constitution ng Republika ng Pilipinas: Artikulo 2 – Declaration of Principle and State Policies, Section 26 ay nagsasaad na:

“The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Ang probisyong ito ay malinaw na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng isang dinastiyang pampolitika sa bansa, upang mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino sa pampublikong serbisyo at lumahok o bumoto para sa isang posisyon sa gobyerno. Ngunit kahit nakasaad ito sa konstitusyon, laganap ang “political dynasty” sa bansa ayon sa mga balita at mga dokumentaryo. Ayon sa isang kongresista, Francis Escudero, kaya raw ganito ay sapagkat kahit na may probisyon tungkol dito ay kailangan nito ng isang batas na susuporta dito, ngunit wala pang batas na naaaprobahan tungkol sa isyu na ito dahil sa pagtatalo kung ano ba talaga ang isang political dynasty at dahil sa marami sa mga gumagawa ng batas ay kasapi rin nito.

Madalas napapansin ang mga angkan na ito kapag malapit na ang eleksyon; mga angkan na sanay na sanay na sa ilaw na dala ng politika; at mga politikong nagpapabango ng pangalan tuwing paparating ang araw ng eleksyon. Kapansin-pansin na dumarami ang karahasan at krimen sa mundong pampolitika; karahasang dala ng sobrang pag-aagawan sa kapangyarihan at kayamanan. Malimit na nasasangkot sa mga ganitong eskandalo ay ang mga pamilya mula sa alta sosyedad at pamilya na halos lahat ng miyembro nila ay may pinanghahawakang posisyon sa gobyerno. Kadalasan ang ama ang gobernador ang mga anak ang mga mayor at ang iba pang kasapi ay konsehal o may iba pang pwesto sa gobyerno. Ang halimbawa nito ay ang angkan ng mga Ampatuan kung saan si Datu Andal Ampatuan Sr. ang dating gobernador ng bayan, si Datu Andal Ampatuan Jr. ang alkalde ng Datu Unsay, si Dati Akmad Ampatuan ang alkalde ng Msmasapamo, si Zaldy Ampatuan ang gobernador ng ARMM, at si Anwar Ampatuan ang alkalde ng Shariff Aguak. Kamakailan lamang ay naganap ang itinuturing na isa sa pinaka marahas na pamangyayari sa ating bansa; pangyayaring nagbigay ng titulo sa Pilipinas bilang “pinaka mapanganib bansa para sa mga media,” ang Ampatuan Massacre. Sa pangyayaring ito ay nabunyag na ang mga Ampatuan pala ay nagtatayo na ng kanilang dinastiya sa Maguindanao. Ang pamilyang ito ay isa lamang sa napakarami pang mga pamilya na nagdodomina sa politika ng ating bansa.

Maraming naging epekto ang sinasabing political dynasty sa ating bansa ayon sa The Philippine Economy ni Arsenio M. Balisacan at Hal HilL at sa artikulong “The Correspondents' takes on local political dynasties.” Laganap ang korupsyon sa isang lugar kung saan isang pamilya lamang ang namumuno sapagkat wala ng naguusisa kung may kamalian sa mga proyekto na ginagawa nila. Kaya ang nagiging resulta ay napagtatakpan ang mga kamalian at mga anumalya na ginagawa nila. Sa ganitong klaseng sistema walang nangyayaring pagbabago sa isang lugar sapagkat kung ano lamang ang tingin nilang tama at nararapat, iyon nalamang ang masusunod, hindi ito bukas sa ibang ideya. At ang resulta ay ang pagkakaroon ng mga proyekto o mga gawain na kulang sa kahusayan sapagkat ang political dynasty ay isa ring nepotismo. Iniluluklok nila ang kanilang kapamilya sa isang posisyon kahit na kulang ito sa kaalaman, kahusayan at eksperyensya. Kahit na madalas na napag-uusapan, hindi parin mabigyang solusyon ang isyung ito; ang isyung kumitil na ng maraming buhay; ang isyung nagtatanggal ng pantay na karapatan sa mga mamayan natin. Ngunit kahit na halos lahat ay tumututol sa isang political dynasty ay sa hindi malamang dahilan ay marami paring sumusuporta at nagtatakip sa mga anumalya na ginagawa ng mag-kakapamilyang ito at ang iba sa kanila ay ang mga tao ring tumututol sa dinastiyang pampolitika.

Maraming naging epekto ang political dynasty sa ating bansa marahil mabuti o masama kaya’t ang grupo namin ay nagpasyang manaliksik tungkol sa isyu na ito. Kung paano ito nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.

II. Data

Napagalaman ng mga mananaliksik na ang ilan sa dinastiyang pampolitika ay malaki ang kaugnayan nito sa kahirapan sa bansa dahil sa tinatawag na “imperfect competition.” Ang “imperfect competition” ay ang isang kompetisyon kung saan may isang namumuhunan lamang ang nagdodomina sa lugar at nakikipag-kompitensya lamang sila sa kakaunting mga namumuhunan kaya’t ang presyo ng produkto ay maari nilang taasan sapagkat wala silang kalaban sa presyo at sa produkto. Dahil sa ganitong klase ng kompetisyon ay mas nahihirapan ang mga tao na pagkasyahin ang pera na meron sila dahil sa mas mahal na produkto na bunga nito. At ang isa pang resulta nito ay ang mas kakaunting trabaho sapagkat mas kakaunti ang papasok na “investors” sa lugar at mas kakaunti ang trabaho para sa mamayan at ang bunga noon ay kahirapan. May mga maganda rin namang naging epekto ang isang political dynasty. Ang magandang epekto naman ay ang pagkakaroon ng magandang takbo sa lugar dahil sa magandang hangarin ng angkan na may hawak dito dahil ipinagpapatuloy na nila ang mga magagandang proyekto sa lugar na hawak nila at dahil dito ay maganda ang nagiging pasok ng mga “investors” sa kanilang lugar sa kadahilanang maganda ang lagay ng kanilang bayan. Kapag ganitong klase ang dinastiya mas madami ang patrabaho mas mura ang bilihin at mas makakatipid ang mga mamamayan lalong-lao na ang mga mamayan na naghihirap.

Sa kasalukuyan may kalkulasyong 150 na pamilya ang prominente sa politika ayon sa website na www.juanachange.com. Sa pagkalap ng mga mananaliksik ng impormasyon para sa pananaliksik na ito, isang tala ng ilang angkan ang nahanap ng mga mananaliksik na sa wikipilipinas. Narito ang ilan sa mga prominenteng angkan sa politika.

Angkan ng mga Ampatuan

Unang – una at ang isa sa maitatalang pinakamasamang epektong political Dynasty ay ang nangyari na marahas na pagpatay sa Maguindanao. Sino bang makakalimot sa katako-takot na bangkay ang nakuha dito. Sino nga ba ang nasa likod nito? Ayon sa abs-cbnnews.com at gmanews.com, ang angkan ng Ampatuan ay isa sa pinakamaimpluwensyang angkan sa Mindanao, lalo na sa bayan ng maguindanao. Ang angkan nila ay nag-ugat sa makapangyarihang angkan ng Moro na siyang lumaban sa Espanyol at Hapon noong ikalawang pandaigdigan. Kilala ang pamilya nila pagiging mayaman sa armas para sa proteksyon at simbolo sa lipunan. Ilan sa mga kilalang personalidad sa angkan nila ay sina Dati Andal, Sr, ang una na nagpakilala sa lipunan. Pormal na pumasok si Andal Sr. sa politika noong People Power Revolution noong 1986 nang siya ay inuluklok para maging tagapangasiwa sa Shariff Aguak sa administrayong Aquino. Sumunod ay si Datu Andal Ampatuan Jr., anak ni Andal Sr., na siyang alkalde ng Datu Unsay, Maguindanao at marami pang iba na puo mga Ampatuan din.

Angkan ng mga Aquino

Ang anhkan ng mga Aquino ay isa sa mga makapangyarihan na angkan sa bansa. Mula sa probinsya ng Tarlac, marami ng naging kongresista, gobernador, president at iba pang pwesto sa politika ang napanghawakan na ng angkang ito. Nagsimula it okay Servillano Aquino, ang siyang naluklok sa Kongreso ng Malolos noong 1898. Ang kanyang anak, si Benigno Aquino, ay ipinagpatuloy ang yapak ng kanyang ama. Si Corazon Aquino ang asaw ni Ninoy ay naging president ng bansa at marami pa mula sa angkan nila ang may hawak na pwesto sa gobyerno.

Angkan ng Recto

Ang angkang ito ay nagsimula sa Batangas. Ang ugat sa pagpasok sa politika ng angkang ito ay mula kay Claro M. Recto na pinagsilbihan ang bansa sa halos buong buhay niya. Ang pangulo ng Philippine Nacionalista na kinatawan ang kanyang probinsiya sa Kongreso at Senado. Ang kanyang landas ay sinundan ng kanyang anak na si Rafale na nagsilbing kinatawan ng Batangas sa Batasang Pambansa kasama ng kanyang mga apo na si Ralph at Richard bukod dito ay marami pa mula sa angkan nila ang namumuno sa Btangas at sa bansa.

Ang mga mananaliksik ay nagpunta ng San Juan. Sa pagpuntang ito ay nakakalap ng impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa kanilang lugar at sa mga political dynasty dito. Nakalap ng mga mananaliksik ang listahan ng mga naging mayor ng kanilang bayan:

· Hon. Engracio Santos (1946-48; 1949-55) RIP

· Hon. Daniel Santigao (1938-40; 1945-46) RIP

· Acting Mayor N.G. Salaysay (Appointed March 15 to June 20, 1954 and April 11 to December 31, 1955) RIP

· Hon. Nicanor C. Ibuna (January 1956 to December 31, 1967) RIP

· Hon. Braulio Sto. Domingo (January 1, 1968 – Augut 4, 1969) RIP

· Hon. Joseph E. Estrada (August 5, 1969 – April 13, 1986) RIP

· Hon. Baby San Pascual (Appointed March 17, 1968 – December 1, 1987)

· Hon. Adolfo Sto. Domingo (January 18, 1988 – June 1992)

· Hon. Jinggoy E. Estrada (July 2, 1992 – June )

· Hon. Joseph Victor Gomez Ejercito (June 30, 2001 - present)

Ito ang ang mga naging mayor ng San Juan mapapansin na ang mga Ejercito ang humahawak sa lugar na ito. Sa pag-uusisa ng mga mananaliksik ay napagalaman ang ilan sa mga naging proyekto ng mga Ejercito na ito at kung paano nila pinalakad ang lungsod.

MAYOR

ILAN SA MGA NAGAWA

· JOSEPH E. ESTRADA

· Itinaguyod ang epektibong relasyong pangkomunidad

· Pagtanggap ng ulat at pagbibigay tulong sa mga mamamayan sa panahon ng kalamidad.

· Itinaguyod ang “Green Revolution” Project

· Pagtayo ng mga pampublikong paaralan para sa mga kabataan.

· Paginspeksyon at pangasiwa ng local na proyektong pangistraktura.

· Pagpapalinis ng kalsada at gusali.

· Pagpapalagnap ng moralidad at pagpapanatili ng mabuting relasyon sa mga empleyado.

· Pagdinig at pagtanggap ng mga reklamo galing sa mga mamayan at dalubhasa ang mga ito.

· Pagpapasemento ng lahat ng kalsada sa San Juan.

· JINGGOY ESTRADA

· Pagpapabuti ng mga drainage sa lugar.

· Pagsasaayos ng barangay hall at municipal hall.

· Pagsasaayos ng mga pampublikong eskwelahan.

· Pagsasagwa ng mga sidewalks

· Pagsasagawa ng Basketball court at fire station.

· JV EJERCITO

· Implementasyon ng mga health care system at distribusyon ng mga health card sa San Juan

· Pagoobserba at pagbibigay attention at tulong sa mga pagamutan.

· Pagtatayo ng mga botika.

· Regular na pagtatanim ng mga puno.

· Pagbibigay gantimpala sa pinakamalinis na baranggay.

· Pagpapaayos ng mga silid aralan at pagayos ng mga palikuran.

· Pagtatayo ng imbakan ng basura.

· Regular na pagiinspeksyon sa mga palengke at katayan.

· Pagsusulong Oplan Angat Timbang.

· Pagkakaroon ng buwanang Medical Mission.

Ilan lamang iyan sa mga naisagawa nila. Ayon kay Engr. Raul Lucedo, Zoning Inspector, at Ms. Alicia E. Cruz Barazon, City Accountant of San Juan, ay mas umuunlad daw ang San Juan sa pamamahala nng mga Ejercito. Ayon sa kanila sa pamamahala ng mga Ejercito nagsimulang umunlad ang Lungsod ng San Juan. Upang patunay ay kumuha ang mga mananaliksik ng kopya ng kinkita ng San Juan:



Actual Income 1998

Actual Income 1999

Estimated Income

Beginning Balance



PHP 23,433,400.00





Revenue from Taxation




Real Property Taxes

PHP 70,537,978.81

PHP 81,401,069.66

PHP 82,000,000.00

Transfer Taxes

PHP 9,174,184.30

PHP 12,616,875.87

PHP 6,500,000.00

Business Taxes and Licenses

PHP 147,063,238.80

PHP 144,901,629.39

PHP 120,000,000.00

BIR Allotment

PHP 38,536,852.50

PHP 53,871,315.00

PHP 65,438,524.00

Other Taxes

PHP 7,717,048.28

PHP 7,988,883.11

PHP 7,952,500.00

Total

PHP 273,029,302.69

PHP 300,779,773.03

PHP 281,891,024.00





Non - Tax Revenue




Operating and Service Income

PHP 55,072,567.66

PHP 49,306,177.58

PHP 41,387,900.00

Grants and Aids

PHP 25,000.00

PHP 13,500.00


Sale of Scrap materials




Total

PHP 55,097,567.66

PHP 49,319,677.58

PHP 41,387,900.00





Grand Total

PHP 328,126,870.35

PHP 350,099,450.61

PHP 346,712,324.00



CERTIFIED STATEMENT OF INCOME
CY 2008
Particulars Past Year Actual Past Year Actual Current Year Budget Year Estimate
CY 2007 CY 2008 CY 2009 CY 2010

BEGINNING BALANCE










Current Surplus

P 108,300,088.00



P 130,650,000.00













TAX REVENUE










Business Taxes and License P 345,761,040.70 P 374,168,869.00 P 335,000,000.00 P 320,000,000.00

Amusement Tax
6,527,482.49
5,288,523.42
4,700,000.00
3,760,000.00

Immigration Tax
8,880.00
9,840.00
25,000.00


Professional Tax
622,641.00
661,500.00
650,000.00
650,000.00

Property Trasfer Tax
13,817,657.60
23,474,927.41
12,000,000.00
12,000,000.00

Real Property Tax











RPT - Current Year
88,130,420.12
99,327,299.65
115,000,000.00
120,000,000.00


RPT - Previous Year
5,957,268.87
12,838,459.38
10,000,000.00
10,000,000.00

Community Tax
6,341,790.83
7,554,141.76
8,000,000.00
8,000,000.00

Fines & Penalties-Tax Revenue









Property Transfer Tax
832,428.55
2,323,368.83
900,000.00
700,000.00


Taxes on Goods & Services
2,084,196.58
2,858,261.27
1,900,000.00
1,900,000.00


Real Property Tax
3,317,818.92
5,202,838.09
3,500,000.00
3,500,000.00


Other Local Taxes
130,014.12
153,084.69
150,000.00
105,000.00



TOTAL TAX REVENUE P 473,531,639.78 P 533,861,113.50 P 491,825,000.00 P 480,615,000.00













INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

P 90,860,975.00 P 186,605,442.00 P 186,605,442.00 P 231,955,996.00













NON TAX REVENUE










Regulatory Fees









Registration Fees










Marriage Fees
247,520.00
201,200.00
210,000.00
210,000.00



Correction of Entry Fees-LCR
399,800.00
456,800.00
300,000.00
350,000.00



Marriage Solemnized by Judge/Mayor
900.00
2,550.00
2,500.00
3,000.00



Marriage Application
245,700.00
201,200.00
210,000.00
210,000.00



Marriage Contract/Annulment
20,830.00
15,940.00
20,000.00
25,000.00



Birth/Death Certificate
67,740.00
4,900.00
20,000.00
20,000.00



Late Registration
32,060.00
31,720.00
30,300.00
30,500.00



Miscellaneous
273,835.00
22,145.00
20,800.00
21,000.00

Inspection Fees









Electrical Inspection Fees
588,500.00
612,400.00
600,000.00
600,000.00


Building Inspection Fees
294,300.00
306,700.00
300,000.00
300,000.00


Plumbing Inspection Fees
147,125.00
153,100.00
160,000.00
160,000.00

Clearance Fees & Certification Fees









Police Clearances
465,440.00
481,760.00
400,000.00
400,000.00


Certificate/Clearances
1,937,446.50
975,781.00
635,000.00
635,000.00

Permit Fees











Signboard Fees
286,931.00
302,700.00
300,000.00
300,000.00


Building Permit Fees
4,542,382.80
4,149,767.81
4,600,000.00
2,600,000.00


Zoning Permit Fees
6,985,492.55
7,352,779.43
9,000,000.00
7,000,000.00


Mechanical Permit Fees
634,702.00
1,473,700.36
1,000,000.00
650,000.00


Sanitary Permit Fees
551,526.44
578,316.00
570,000.00
600,000.00


Burial Permit Fees
184,729.26
178,320.00
140,000.00
140,000.00


Mayor's Permit Fees
5753749.26
6,397,597.90
6,360,000.00
6,300,000.00


Electrical Permit Fees
1,907,711.20
3,372,492.93
2,200,000.00
2,200,000.00


Plumbing Permit Fees
306,970.12
574,185.12
350,000.00
350,000.00


Excavation Fees
88,908.38
89,141.00
70,000.00
150,000.00


Sticker - Tricycle
255,470.00
162,452.50
200,000.00
200,000.00


Sticker - BRP
325,005.00
1,884,965.00
1,720,000.00
1,720,000.00

Fees on Weights & Measures
19,415.00
15,525.00
40,000.00
40,000.00

Occupation Fees (Non Board & Bar Exams)
-
925,500.00
900,000.00
900,000.00

Other Fees
-
-
141,000.00
150,000.00

Fines & Penalties









Fees, Permits Non Tax Revenue
10,183.75
283,807.88
268,000.00
280,000.00

Business & Service Income











Rent Lease Income










Pharmacy
42,000.00
42,000.00
42,000.00
42,000.00



Canteen
94,720.00
89,275.00
102,000.00
102,000.00



Parking Plaza/Stall Rental
497,767.58
389,737.46
377,000.00
380,000.00


Medical Dental & Laboratory Fees
63,072.18
29,350.00
35,000.00
35,000.00

Garbage Fees
4,474,559.85
4,734,575.00
4,440,000.00
4,600,000.00

Economic Enterprises









Income from Economic Enterprises










Receipts from Hospital
21,094,307.58
22,039,219.36
25,000,000.00
25,000,000.00



Receipts from Cemetery
254,330.00
251,050.00
180,000.00
180,000.00



Receipts from Market
1,910,714.29
4,465,551.73
2,000,000.00
2,000,000.00



Receipts from Slaughterhouse
240,000.00
220,000.00
240,000.00
300,000.00



Ante Mortem


70,192.11
36,100.00
480,000.00



Receipts from Arena
5,934,241.09
8,443,860.38
8,000,000.00
11,400,000.00



Parking Fees (Arena)


101,230.00
240,000.00
500,000.00



Commercial Bldg (ICAD)
3,360,000.00
3,430,000.00
3,500,000.00
3,500,000.00

Interest Income
9,757,761.61
10,724,260.51
6,500,000.00
9,500,000.00

Fines & Penalties









Garbage Fees

16,482.61
138,386.63
220,000.00
220,000.00

Other Income









Share from EVAT
2,592,681.00
-
-
-


Share from PAGCOR & PCSO
620,508.26
-
1,200,000.00
1,200,000.00


Miracle Program


4,309,163.34
-
-

Other Income









Other Income Violation of Laws
2,600,512.50
1,971,300.00
2,356,000.00
2,600,000.00


Others
17,830.00
13,950.00
100,000.00
100,000.00


Sales of Fixed Assets
25,000.00







TOTAL NON-TAX REVENUE P 80,170,861.81 P 92,670,548.45 P 85,335,700.00 P 88,683,500.00














TOTAL INCOME P 644,563,476.59 P 813,137,103.95 P 763,766,142.00 P 801,254,496.00













BARROWING - DOMESTIC





P 130,000,000.00














TOTAL AVAILABLE FOR APPROPRIATION P 752,863,564.59 P 813,137,103.95 P 893,766,142.00 P 931,904,496.00



Sa pagpunta ng mga mananliksik sa San Juan ay nagsagawa sila ng isang survey sa mga mamayan nila. Ang survey tungkol sa mga naging mayor nila tinanong ditto kung sino para sa kanila ang naging mayor ng San Juan ang may pinaka-epektibong mayor ng lugar. Ito ang nasabing survey:


Pangalan

Tagal ng paninirahan sa San Juan

Sinong sa mga naging Mayor ng San Juan ang naging pinaka-epektibo

Naging progresibo ba ang San Juan sa pamumuno ng Ejercito?

Ian Acero (Manager ng Jollibee)

25

Halos lahat ng Ejercito, mula kay Erap, Jinggoy at JV

Oo kasi sunud-sunod na napaunlad ang San Juan

Liezel Viola (Street Vendor)

24

Joseph Estrado dahil siya ang dahilan kung bakit sumibol ang san Juan.

Oo dahil maraming naitulong sa mga iskwater tulad ng mga pabahay.

Paul Bustillos (Jollibee Crew)

1

JV kasi siya lang ang naabutan ko.

Opo, madali makapaghanap ng trabaho

Bernabe Teodoro (Jeepney Driver)

46

Joseph. Mga mahirap ay pinapahalagahan niya at talagang tinutulungan nila kapag pasko.

Oo, pinasimento lahat ng kalsada

Mario Ecleo (Janitor)

37

JV. Maraming natulungan at siya ang naabutan kong mayor

Oo, maganda ang pamamalakad at maraming napagawa at napaayos.

Francis Cruz (Police)

31

JV. Nagging siyudad ang bayan ng San Juan. Naging malaki ang sweldo at nagamit na pera sa pagpapaunlad nito

Oo naman, kasi nabawasan ang krimen.

Eugene Espano(Empleyado ng CH)

35

JV. Mas advance at kakaiba ang mga ginagawa at mahihirap ang serbisyo

Oo, dila ang nagbigay ng trabaho samin kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo.

Terry Flores (Tricycle Driver)

23

JV. Mejo angat ang San Juan at nagging siyudad ito

Pwede, pero hindi gaano napaganda ang San Juan

Jerry Bernardo (Takatak boy)

43

Joseph. Sa kanya lahat nagsimula

Okay lang naman. May mga nagawa pero hindi masyado maasenso

Rosanna Del Rosario (Tambay)

16

JV at Erap. Tinulungan ang mga mahihirap kapag nangangailangan

Oo maganda ang pamamalakad. Lahat pinaganda tulad ng mini park at iba pa.

Jun Bautista (Nagbebenta ng Dyaryo)

47

Erap. Napaganda niya ang San Juan

Okay naman. Matulungin sila

Josephine Reyes (Teacher)

11

JV. Mga naririnig ko sa mjga empleyado ay maganda naman ang pamamalakad niya

Okay naman, may pagbabago sa mga pasilidad ng eskwelahan, palengke at nagging siyudan ang San Juan kahit ito’y maliit.

Juan Jose Infante (Lessor)

54

Erap. Nagpasemento ng mga kalye.

Hindi. Hindi nakaapekto sa pamilya niya.

Vivian Narag (Housewife)

3

JV. Sila lang ang namamahala dito

Oo kasi maayos ang pamamahala nila tulad ng palengke

Ariel Elluran (Security Guard)

1

JV. Sila lang ang may hawak nito eh.

Oo pero sa iba lang

Joselito Solomon (Sanitation Inspector)

47

Erap. Sa kanya nagsimula ang lahat

Oo dahil tumataas ang income at sweldo



I. Analysis

Ayon sa mga nakuhang data, kapag sinabing ang “Political Dynasty” marumi kaagad ang kaakibat na imahe nito dahil kadalasn sa mga angkang ito ay sinasagad ang kapangyarihan st ma masama, kanila itong inaabuso. Sa pagkalap ng mga impormasyon ay natuklasan na talamak ang political dynasty sa Pilipinas. Ang mga angkan na ito ay mga prominente, kilala ng mga mamamayan ng bansa ngunit kahit ganito ay patuloy parin silang inusuportahan kagaya na lamang ni Benigno “Noynoy” Aquino Jr. ay mula sa angkan na nagtayo ng Political Dynasty sa Tarlac.

Ang political dynasty sa lungsod ng San Juan ay suportado ng mga mamamayan nila. Ayon sa mga datos ay marami sa mga mamamayan nila ang tumitingin sa kanila bilang nagpa-unlad sa lungsod na ito at ito rin ang tingin ni Alicia Barazon , ang kanilang city accountant. Sa pagkuha ng mga mananaliksik ay income ng lungsod ay napakita na tumataas ang kinikita nila bawat taon na naging patunay ng pag-unlad ng kanilang lungsod. Ang resulta ng survey ang isa pa sa mga nagpatunay ng pamamayagpag ng mga Ejercito sa kanilang lugar. Puro mga Ejercito ang isinasagot ng mga mamayan nila sa katanungan kung sino naging pinaka –epektibong mayor ng San Juan. Ang mga ito ay nagpapatunay lamang ng mga magandang nagawa ng mga angkan nila sa lungsod ng San Juan.

I. Konklusyon

Kung pagbabasihan lamang ang mga naunang data na masama kaagad ang ideya na pumpasok sa isip ng mga mamamayan kapag narinig ang “political dynasty.” Ito ay sa kadihilanang marami sa mga angkan na ito ay naeexpose lamang sa tuwing nakagawa sila ng masama o mga karumaldumal na krimen.

Sa sinagawang pag-aaral ng mananaliksik sa lungsod ng San Juan ay nakita ng mga mananaliksik ang magandang epekto nito sa kanilang ekonomiya. Sa pagtataya ay hindi lageng masama ang epekto ng isang political dynasty may maganda rin namang itong naibubunga. Depende lamang ang bunga ng kanilang pamumuno sa layunin ng kanilang angkan. Kung may maganda silang layunin ay maganda rin ang nagiging epekto ng kanilang pamumuno sa bayan kung ang layunin lang nila ay ang payamanin ang saril at magkaroon ng kapangyarihan dito nagkakaroon ng mga negatibong epekto sa kanilang pamumuno.

II. Rekomendasyon

Habang wala pang batas na sumusuporta sa pagtutol sa isang “political dynasty” ay hindi ito maaring maihinto kahit marami pa ang tumututol dito. Hindi lahat ng political dynasty ay masama ang naibubunga may ilan din namang maganda ang naibubunga para sa lugar na nasasakupan. Ang pagsuporta dito ay dapat ibase sa kanilang layunin para sa lugar at sa mga nagawa ng angkan na iyon para sa lugar na nasasakupan. Dapat tignan kung ipinagpapatuloy ng magkakapamilya ang maganda nilang nasimulan o ginagawa nalamang nila iyon para sa kayamanan, kapangyarihan at posisyon. Dapat pag-aralan ng mabuti ng mga botante lalo na ng mga kabataan ang mga angkan at mga politikong ito sapagkat ito ang magpapasya sa magiging pag-unlad ng bansa.